^

Metro

Kelot tumungga ng kemikal todas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Patawad sa ginawa ko.”

Ito ang mga huling sulat na iniwan ng isang lalaki na madatnang walang buhay matapos na uminom ng isang uri ng nakalalasong kemikal sa loob ng opisina ng kanyang pinagtatrabahuhan  sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Binibini, 48, chemical mixer (ATC) ng Asian Television Center LBC Bldg., at residente sa Block 3, lot 4 Paraguay St., Harmony hills, San Jose del Monte Bulacan.              

Ayon kay PO2 Victor Guerrero ng Criminal Investigation and Detection Unit ng  Quezon City Police District, natagpuan  ng isang Leo Canete ang bangkay ng  biktima sa may opisina ng ATC LBC Bldg., sa no. 85 Doña Justina Subd., Filinvest 2, Bgy. Batasan Hills sa lungsod,  ganap na alas 9 ng gabi.

Bumubula ang bibig ng  biktima habang nakahiga samantalang nasa tabi nito  ang suicide note na humihingi ng tawad at cellphone no. na naka address sa nagngangalang Maribel.

Agad na tinawag ni Cane­te ang driver ng kumpanya saka isinugod ang biktima sa ospital bago inilipat sa Capitol Medical center kung saan idineklara itong dead- on-arrival dahil sa tinatawag na chemical ignition.

Inaalam pa ng otoridad ang ugat ng pagpapakamatay ng biktima at anong uri ng kemikal ang ininom nito.

 

ASIAN TELEVISION CENTER

BATASAN HILLS

CAPITOL MEDICAL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

JIMMY BINIBINI

JUSTINA SUBD

LEO CANETE

MONTE BULACAN

PARAGUAY ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with