^

Metro

Wanted na Aussie, timbog ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang puganteng Aus­tralian national ang nadakip ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos magtago sa bansa at madagdagan pa ang iligal na aktibidad na kinasasangkutan nito kabilang ang pag-ooperate ng cybersex den gamit ang mga  menor-de- edad at sexual assault.

Ang suspect na si Peter Gerard Scully, 51, tubong Burwood, Australia at nanunulu­yan sa Brgy. Violeta, Malaybalay City, Bukidnon ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng NBI-Region 10, International Police (Interpol), Australian Federal Police, Dutch Police, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) sa safehouse nito sa Malaybalay, Bukidnon kamakailan.

Makikipag-ugnayan din ang NBI sa iba pang ahensiya ng gobyerno tulad ng Bureau of Immigration (BI) para sa kaukulang proseso ng kaniyang mga kasong kinakaharap.

Sinabi ni NBI-R10 regional director Atty. Angelito Magno, ang pagdakip kay Scully ay bunga ng kahilingan ng gobyerno ng Australia at iba pang bansa kaugnay sa mga kasong tinakbuhan nito tulad ng patung-patong na bilang ng fraud. Habang nasa bansa, ang suspek umano ay nagre-recruit ng mga menor de edad na ginagamit sa live video streaming.

Pinagagamit umano ng sex toys ang mga kabataan habang nakaharap sa camera at sa malalaswang eksena ay napapanood naman ng kabilang linya o mga kliyente.

Natuklasan na simula noong pagpasok sa bansa ni Scully noong 2011 ay dumayo ito  sa Cagayan de Oro City hanggang sa Bukidnon para sa iligal niyang operasyon ng cybersex.

vuukle comment

ANGELITO MAGNO

AUSTRALIAN FEDERAL POLICE

BUKIDNON

BUREAU OF IMMIGRATION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DUTCH POLICE

INTERNATIONAL POLICE

MALAYBALAY CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with