^

Metro

4 patay sa sunog sa Pasay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat katao kabilang ang isang buntis na pawang magkakaanak ang nasawi, habang 900 pamilya ang nawalan ng tirahan nang tupukin ng apoy ang mahigit sa 300 kabaha­yan, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ang mga nasawi  na sina Nida Dakaymat, 49, anak nitong si Ramil, 25; misis nitong si Danna Mente, 20, apat na buwang buntis at ang  apong si Cindy Pacayun (hindi ito anak nina Ramil at Danna), 10-anyos. Pawang  magkakapatong ang mga ito nang matagpuan ma­tapos matupok ang dalawang palapag nilang bahay na malapit sa isang creek sa Merville Access Road, Brgy. 201 ng nasabing lungsod alas-9:00 kahapon ng umaga.

Magkayakap pa ang  bangkay ng maglolang Nida at Cindy nang matagpuan ng mga awtoridad.

Ayon sa pahayag ni  Ma­tilde Cardona, kamag-anak ng mga biktima, na-trap ang mga ito sa loob ng kanilang bahay dahil sa biglang paglaki ng apoy hanggang sa tuluyan na itong matupok habang nasa loob ang mga nasawi.

Bukod dito, sinasabing nahulog pa ang mga nasunog na biktima sa creek na katabi ng kanilang bahay.

Lumalabas sa report na isinumite  ni Pasay City Fire Marshall Douglas Diaz Guiab­,  alas-3:40 ng mada­ling araw nang magsimula ang sunog sa bahay ng mag-asawang Mario at Dianne Barmachea sa Sapasatahi at Daop Palad Merville Access Road,  Brgy. 201, Zone 20 ng nasabing lungsod.

Ayon sa pahayag ng mag-asawang Barmachea,  kasalukuyan silang natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang biglang may magliyab sa unang pa­lapag nito.  

Dahil sa gawa lamang sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na umabot sa mahigit sa 300  kasama  ang bahay ng mga biktima, na  nagresulta ng pagkamatay ng mga ito.

Dahil sa mabilis ang pagkalat ng apoy,  nadamay din ang isang warehouse ng balikbayan boxes at isang imbakan ng tela. Umabot sa  general alarm ang alarma ng sunog.

Nahirapan naman ang mga bumberong makapasok dahil sa masikip na kalsada at katabi pa ito ng creek.

Halos umabot ng apat na oras ang sunog bago ito idineklarang fire-out alas-8:57 kahapon  ng umaga.

Samantala agad naman dinala sa gym at barangay hall ang mga nasunugan na kung saan nangako ang pamahalaang lungsod ng Pasay na tutulungan ang mga ito,  na nasa 900 pamilya.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy.

 

AYON

BAHAY

BRGY

CINDY PACAYUN

DAHIL

DANNA MENTE

DAOP PALAD MERVILLE ACCESS ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with