4 patay sa sunog sa Pasay
MANILA, Philippines – Apat na katao ang patay, kabilang ang isang siyam na taong gulang na babae, sa sunog sa lungsod ng Pasay ngayong Lunes.
Nakilala ang mga biktimang sina Nida Lacaimat, anak na si Ramil, manugang na si Dana at apong si Cind.
Bandang alas-4 ng madaling araw nagsimula ang sunog sa Barangay 201, Merville Access Road, Pasay na tumupok sa 300 kabahayan.
Tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng mga ari-arian na nilamon ng apoy.
Nasa 900 pamilya naman ang nananatili ngayon sa covered court matapos mawalan ng tirahan.
Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog.
- Latest