^

Metro

2 sugatan sa pamamaril ng parak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa ang iniulat na nasugatan makaraang magpaputok ng baril ang isang pulis matapos na makaalitan nito ang isang tricycle driver sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga sugatang biktima na sina Pearl Anne Narag, na kasalukuyang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) dahil sa tama ng bala mula sa isang .22 kalibreng baril at isang Francisco Paraoan, 57, na nagkataong naroon sa lugar nang mabasag ang windshield ng sasakyan ng suspek na kinilalang si PO3 Edwin Simaco, nakatalaga sa Manila Police District-Station 1.

Naganap ang insidente sa panulukan ng Vicente Cruz at Loyola Sts., Sampaloc, dakong alas-7:20 ng umaga.

Naghain din ng reklamo ang nakaaway ni PO3 Simaco  na si  Arnold Muñoz, 34, tricycle  driver.

Sa salaysay ni Muñoz kay  SPO2 John Cayetano ng MPD-Manila Police-Ge­neral Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), naghihintay lamang siya sa estudyanteng kanyang inihahatid sa paaralan nang lapitan ng suspek.

Galit umano ang suspek nang tanungin siya kung kanino ang tricycle at minura siya bago bumalik sa van na may plakang NWI 740.

Kinuha raw ng pulis  ang baril sa kanyang sasakyan habang si Muñoz naman ay kinuha ang baton sa loob ng minamanehong tricycle.

Nagpaputok umano ang pulis at nagkataon naman na dumaraan si Narag na kasama ang isa pang babae kaya ito ang tinamaan ng ligaw na bala.

Si  Paraoan na naroon sa lugar ay tinamaan ng bubog.

Sa follow-up operation, hindi umano matagpuan ng mga tauhan ng MPD-GAIS ang suspek na pulis na nakatakdang ipatawag mula sa kanyang hepe para sa imbestigasyon.

vuukle comment

ARNOLD MU

ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

EDWIN SIMACO

FRANCISCO PARAOAN

JOHN CAYETANO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LOYOLA STS

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with