^

Metro

3 timbog sa human trafficking

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natunton sa malayong lalawigan  ang isang 15-anyos na dalagita na kinakanlong sa isang night club matapos i-recruit ng isang bading at isang lalaki sa Maynila, sa ulat kahapon ng Manila Police District.

 Sinabi ni P/Supt. Dennis Wagas, hepe ng MPD-Human Trafficking Task Group, na hawak na nila ngayon ang mga suspek na sina Edwin Dalicano, 40; at Justin Santos, 33, kap­wa residente ng Gumamela St, Happy Land,  Tondo, Manila.

Bukod sa dalawa, binitbit din ang manager ng bar na kinilalang si Ignacio Reyes, 67, na kinuha mula sa Apanay, Alicia Isabela dahil sa pagkakanlong sa mga menor-de-edad na sapilitang pinagtatrabaho sa mga night club. 

Sinabi ni Wagas na isang ginang ang humingi sa kanila ng saklolo kaugnay sa nawawalang anak na 15-anyos. Natuklasan na ang kanya umanong anak ay tinangay ng mga suspek na taga-Tondo upang ipasok sa bar ng suspek na si Reyes.

Noong Lunes, Pebrero 9 ay tumulak ang grupo na pina­ngunahan ni Supt. Wagas sa Isabela at doon natunton ang dalagita. Bukod sa dalagitang pakay na iligtas, nasagip din ang 5 pang kababaihan na na-recruit din umano ng mga suspek at ibinagsak kay Reyes.

Itu-turn over ang mga suspek sa MPD-Women and Children­’s Protection Unit para sa kasong paglabag sa human trafficking kaugnay sa pagre-recruit ng mga babae para sa prostitusyon.

ALICIA ISABELA

BUKOD

DENNIS WAGAS

EDWIN DALICANO

GUMAMELA ST

HAPPY LAND

HUMAN TRAFFICKING TASK GROUP

IGNACIO REYES

JUSTIN SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with