^

Metro

Selosong bf, ipinakulong ng gf

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa ginawang pa­na­­nakit at pagkaladkad sa kanya sa harap ng ma­raming tao kaya ipinakulong ng isang dalagita ang kanyang selosong boyfriend sa Ma­rikina City, kahapon ng hapon.

Nagreklamo sa Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Marikina police ang biktima na itinago sa pa­ngalan Tintin, 16, nakatira sa Malaya St., Brgy. Malandalay, sa lungsod.

Ang suspek na ngayon ay nakakulong sa Marikina City Detention Cell ay si Edward Bianes, 22, security guard, nakatira sa Libis Bulelak, Marikina City.

Base sa reklamo ng biktima kay PO3 Jenelyn Oro ng WCPD, ang pananakit ng suspek at pagkaladkad sa kanya ay naganap dakong ala-1:15 ng hapon habang naglalakad siya kasama ang mga kaklaseng babae at isang lalaki sa kahabaan ng J. Molina St., Brgy. Concepcion Uno, nang madaanan umano sila ng boyfriend nito na si Bia­nes na noon  ay naka­sakay sa  bisikleta.

Galit na galit na huminto ang suspek at sinigawan ang biktima na “boyfriend mo ba to” habang itinuturo ang kasabay na kaklaseng lalaki, sabay hab­lot ng suspek sa shoulder bag ng biktima na naging dahilan upang makaladkad ito.

Pagkahila sa bag  ay pasigaw pang pinagsabihan ng suspek ang dalagita na sumakay sa bike  pero tu­manggi ang biktima kung kaya’t buong lakas na hinaltak sa kanang braso bago itinulak pabalik sa kanyang kaklaseng lalaki.

Dahil sa higpit at lakas ng pagkakahaltak ng suspek sa braso ng biktima kung kaya’t nagtamo ito ng sugat at kanya pang ikinatumba sa kalsada.

Dahil sa pangyayari ay nagsumbong ang biktima sa kanyang ina at sinamahan nito ang kanyang anak sa himpilan ng pulisya at ipina­aresto ang suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9262 (Physical Abuse) at RA 7610 o Child abuse ang suspek.

BIKTIMA

BRGY

CHILDREN PROTECTION DESK

CONCEPCION UNO

DAHIL

EDWARD BIANES

JENELYN ORO

SHY

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with