^

Metro

Pagdinig sa kaso ng mag-asawang Tiamzon, ipinagpaliban

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagpaliban kahapon ng Quezon City Regional Trial Court ang pre-trial hearing hinggil sa kasong kid­napping laban sa mag-asawang opisyal ng NDF na sina Wilma Austria at Benito Tiamzon.

Nakatakda sanang gawin ang pre-trial conference sa naturang kaso kahapon sa  Camp Crame pero dahil sa hindi naipri­sinta ng pro­sekusyon ang com­plainants at witnesses nito dulot daw ng kalayuan, pasahe at se­curity constraints kaya’t pansamantalang ipinag­paliban na lamang ng korte­ ang pagdinig sa naturang kaso na itinakda sa Abril 15.

Dati ay dinidinig ang kaso ng mag-asawa sa QC Hall of Justice pero dahil sa na­aprubahan ng Korte Suprema ang naisampang mosyon ni Executive Judge Fernando T. Sagun hinggil dito  ay pina­yagan na gawin na lamang ang pagdinig sa kaso sa loob ng kampo.

Idinahilan ni Sagun ang naganap na kilos-protesta ng libong mga magsasaka sa QC Hall of Justice noong October 17,2014 nang isa­ilalim sa arraignment noon ang mag asawang Tiamzon.

Katwiran naman ng depensa na kaila­ngan muna nilang makita kung ang sina­sabing mga complainants ng prosekusyon ay orihinal at tunay na mga com­plainants sa kaso na sinasabing naganap may 20 taon na ang nakararaan.

Samantala, sinabi naman ni Marie Hilao-Enriquez, chairperson ng grupong Karapatan na walang basehan na naging  magulo sila nang magsagawa ng protesta sa QC court.

Ayon naman sa  National Union of People’s Lawyers and the Public Interest Law Center na kukuwestyunin nila ang paglilipat sa Kampo Crame ng pagdinig sa kaso ng mag-asawang Tiamzon.

BENITO TIAMZON

CAMP CRAME

EXECUTIVE JUDGE FERNANDO T

HALL OF JUSTICE

KAMPO CRAME

KORTE SUPREMA

LAWYERS AND THE PUBLIC INTEREST LAW CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with