Feb. 13, holiday sa Parañaque
MANILA, Philippines – Idineklarang special non-working day sa lungsod ng Parañaque sa darating na Biyernes (Pebrero 13).
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Parañaque, sa bisa ng Proclamation No. 955, ang Pebrero 13 ay idineklara ng Malacañang na “Parañaque’s 17th cityhood anniversary”. Nilagdaan ang proklamasyon ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. sa pahintulot ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, magsasagawa ng maraming aktibidades ang pamahalaang lungsod para sa selebrasyon sa araw na ito.
Nagsimula ang kanilang pagdiriwang noong Pebrero 7 hanggang 14 at kabilang dito ang pagsasagawa ng fun run, motorcade, medical mission, job fair at mass wedding.
Sa Pebrero 12 naman ang konsiyerto at fireworks display, samantalang ang ‘Karakol’ at ‘Sunduan Festival’ ay isasagawa naman sa araw ng Biyernes.
- Latest