^

Metro

Bike sharing program, pinalawak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang makatulong na maibsan ang trapik sa Metro Manila­, nagdagdag ng bike sharing program ang Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Pinangunahan ni MMDA  Chairman Francis Tolentino ang naturang proyekto mula Raja Sulayman hanggang Burgos Avenue, Roxas Boulevard, Maynila.

Nabatid na ang pagbubukas na panibagong  bike sharing program  sa naturang lugar ay upang hikayatin  ang publiko na ugaliin ang pagbisikleta bilang isang uri ng ehersisyo.

Sinabi ni Tolentino na ito aniya ay magandang  benepisyo para sa physical at mental health at bukod sa makakatipid ay nakakabuti pa ito sa environment.

Bukod dito, bahagi pa rin ito ng paghikayat ng ahensiya na gamitin ang bisikleta bilang alternatibong transportasyon laban sa problema ng trapiko sa Metro Manila.

Sa ilalim ng bike lane project, ang mga gustong gumamit ng bisikleta ay pumunta lamang sa nakatalagang bike shelters ng ahensiya upang dito humiram ng bisikleta ng libre.

Kailangan lamang mag-iwan ng valid ID para makahiram ng bisikleta. Una na ring nagbukas ang MMDA ng bike sharing­ project sa bahagi ng EDSA  gayundin sa  Katipunan.

vuukle comment

BUKOD

BURGOS AVENUE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

KAILANGAN

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA

RAJA SULAYMAN

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with