^

Metro

Kelot binoga ng sekyu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang patay makaraang mabaril ng isang security guard matapos na paghinalaan ng huli ang una na nagnanakaw sa tinatanurang kumpanya sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang nasawi na walang pagkakakilanlan ay isinalarawan sa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 4’10’’, payat, nakasuot ng itim na t-shirt, at kulay brown na short pants, may tattoo sa kanang braso ng mukha ng babae, “Tayan” at “Tokyo” sa sikmura  at Bahala na Gang sa likod.

Ayon kay PO2 George Caculba, imbestigador ng CIDU, base sa ulat, ang suspect ay nakilalang si Guillermo Calaw, 42, may-asawa, security guard ng Garment Tower Security Service Inc. at residente ng Tondo, Manila.

Nangyari ang insidente sa may tabi ng Gypmsum vacant warehouse sa 947 EDSA Avenue­, malapit sa kanto ng Mother Ignacia, Brgy. South Triangle, ganap na alas-11:06 ng umaga.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso, bago ang insidente, nanonood umano ang suspect sa kanyang portable DVD habang nagbabantay sa naturang lugar nang biglang magkaroon ng power interruption sa lugar.

Dahil dito, nagpasyang mag-roving ang suspect para alamin ang dahilan ng power interruption hanggang sa matagpuan niya ang biktima malapit sa electric breaker na nakatayo at may hawak ng plais, cutter at improvised bolo.

Diumano, pinababa ng sekyu ang biktima, pero sa halip na sumunod, tinadyakan umano ng huli ang una, dahilan para magpasya itong bunutin ang kanyang service firearm at pagbabarilin sa katawan ang biktima.

Kasunod nito, nagsipagdatingan naman ang mga rumespondeng barangay tanod sa lugar at inaresto ang naturang security guard.

Narekober sa lugar ang isang kalibre .38 baril, gayundin ang mga dalang gamit ng biktima na plais, cutter at bolo. Inihahanda na ang kasong homicide laban sa suspect.

AYON

BAHALA

GARMENT TOWER SECURITY SERVICE INC

GEORGE CACULBA

GUILLERMO CALAW

JOGENE HERNANDEZ

MOTHER IGNACIA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SOUTH TRIANGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with