Big-time oil price hike, nakaamba
MANILA, Philippines – Malungkot na balita para sa publiko dahil may nakaambang malaking pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong papasok na linggo.
Ayon sa tatlong higanteng kompanya, (Pilipinas Shell, Chevron o Caltex at Petron Corp.), posibleng tataas sa P2.40 hanggang P2.60 kada litro ang presyo ng gasolina sa Dubai Crude habang nasa P1.50 hanggang P1.75 kada litro naman sa presyo ng diesel. Habang wala namang binanggit sa pagtaas sa presyo ng kerosene.
Ang nakaambang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa international market.
Kung sakaling matuloy ang pagpapatupad ng oil hike, ito na ang unang pinakamalaking price increase ngayong taong 2015.
Magugunitang huling nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay noong Pebrero 2.
- Latest