Dalaga huli sa kotong
MANILA, Philippines - Huli sa bitag ang isang dalaga dahil sa pangongotong sa isang empleyado sa Pasig City hall, sa isang inspector ng Pasig City hall, kamakalawa. Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, si Glory Lee Castillo, 19, ay dinakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, matapos na humingi ng tulong ang biktimang si Wilfredo Arellano, sanitary inspector sa nasabing siyudad.
Nangyari ang entrapment operation sa kahabaan ng P. Tuazon Boulevard sa Cubao. Sabi ni Tejerero, bago ang insidente, February 2, 2015 ay nag-check-in ang biktima at suspect sa isang apartelle sa Marikina kung saan sila nagpalipas ng magdamag.
Subalit, kuwento ng biktima, wala umanong nangyari sa kanila dahil matanda na umano siya at hindi na niya kayang makipagtalik sa biktima. Kinabukasan, nakatanggap na ng tawag ang biktima na tinatakot umano siya ng suspect na guguluhin sa pagsasabing menor de edad pa ito at 15 kung kaya maaari siyang kasuhan.
Upang hindi umano mahinto ang suspect sa panggugulo ay humingi ito ng halagang P8,000 kaya naman sa takot ng biktima na makasuhan sa paga-akalang menor de edad nga ang suspect ay nagpasya na itong dumulog sa CIDU para humingi ng tulong na ikinaaresto ng una. Sa himpilan ng pulisya, dumating din ang kaanak ng suspect at itinanggi na menor de edad pa ito. Inihahanda na ang kasong extortion laban sa suspect.
- Latest