^

Metro

Commuters ng MRT-3, naistranded

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maraming commuters ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang nais­tranded kahapon ng umaga sa mga istasyon ng tren dahil sa kaka­unting bilang ng tren na bumibiyahe.

Ayon kay Edgar Tongson, supervisor ng MRT-3 Command Center­, 12 lamang sa kanilang mga tren ang operational kahapon ng umaga sanhi upang maraming pasahero ang maistranded at hindi kaagad makasakay.

Sinabi ni Tongson, sa araw-araw na operation nila ay 20 tren ang regular nilang idini-deploy tuwing weekdays, pero tumanggi namang magsalita kahapon kung ano ang dahilan ng pagba­bawas nila ng bagon.Tumanggi rin si Tongson na sabihin kung may problemang teknikal sa MRT-3 dahil hindi aniya siya awtorisadong mag­bigay ng pahayag hinggil dito.

Bunsod nito ay inaabot ng hanggang 20-minutong naghi­hintay ang mga pasahero ng tren sa mga istrasyon bago tuluyang makasakay. Magugunita na sinabi ng pamunuan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na kaya nagtaas ng singil sa pasahe ang MRT at LRT ay upang mapaganda ang pagbi­bigay ng serbisyo sa mga pasahero.

Ang MRT-3 ang nag-uugnay sa Taft Avenue sa Pasay City at North Avenue sa Quezon City via Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

COMMAND CENTER

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

EDGAR TONGSON

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE

PASAY CITY

QUEZON CITY

SANTOS AVENUE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with