^

Metro

Central post office sa QC, nasunog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P50,000 ang halaga ng napinsalang kagamitan sa sunog na lumamon sa gusali ng Central Post Office sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay Senior Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, alas-5:35 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa natu­rang gusali na matatagpuan sa Nia Road, Brgy. Pinyahan sa lungsod. Nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng nasabing gusali, partikular sa record section nito, hanggang sa ku­malat na sa buong gusali.

Sabi ni Fernandez, posibleng nagkaroon ng short circuit ang kuryente ng nasabing opisina sanhi ng pag­liyab nito. At dahil mga papel ang nasa loob ay madaling kumalat ang apoy.

Umabot naman sa ikatlong alarma ang sunog, bago tulu­yang naapula ganap na alas-6:03 ng umaga. 

Samantala, nilamon din ng apoy ang apat na bahay sa may ilang-ilang St., Brgy. Payatas, ganap na alas-9:05 ng umaga.

Dagdag ni Fernandez, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Art Leonidas, hanggang sa madamay ang apat pang kabahayan. Umabot naman sa ikatlong alarma bago tulu­yang ideklarang fireout ito ganap na alas-9:40 ng umaga.

Aabot naman sa P100, 000 halaga ng ari-arian ang napinsala dito. Wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing mga sunog.

AABOT

ART LEONIDAS

BRGY

CENTRAL POST OFFICE

FERNANDEZ

JESUS FERNANDEZ

NIA ROAD

SENIOR SUPT

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with