^

Metro

Pagguho sa ginagawang gusali sa BGC, pinabubusisi

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan na rin ng pamahalaang lokal ng Taguig ang naganap na pagguho sa isang ginagawang gusali sa Bo­nifacio Global City (BGC) na ikinasawi ng dalawang construction workers at pagkasugat ng 11 pa kamakalawa.

Mariing inatasan ni Taguig City Mayor Lanie Cayetano ang Engi­neering Office at Local Building Office ng pamahalaang lungsod na magsagawa ng imbestigasyon sa pagguho ng upper ground o mezzanine nang ginagawang The Suits Condominium, na nasa  pitong palapag na ang konstruksiyon.

Ito’y matapos bumigay ang  pinatutuyong semento at ang scaffolding na pinagtutungtungan ng mga biktima.

Labis na ikinalungkot ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang naturang trahedya. Nabatid na nauna nang nagpalabas ng ka­utusan ang Taguig City government  para ipatigil muna ang kons­truksiyon ng naturang gusali.

Kumilos na rin ang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa insidente at kanilang papa­nagutin ang employer at contractor sakaling mapatunayang nagkaroon sila ng kapabayaan sa pagpapatupad ng safety measure.

Matatandaan, na noong Miyerkules, alas-8:10 ng umaga ay gumuho ang upper ground ng naturang condominium na matatagpuan sa panulukan ng 5th at 28th Avenues, BGC ng lungsod na nabanggit na nagresulta nga ng trahedya.

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ENGI

GLOBAL CITY

LOCAL BUILDING OFFICE

SUITS CONDOMINIUM

TAGUIG

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY MAYOR LANIE CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with