^

Metro

Erap pabor na suspindihin ang BBL

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na pabor siya sa suspensiyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) hangga’t walang malinaw na napapanagot sa nangyaring pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action­ Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Ang pahayag ay ginawa ni Estrada matapos ang maikling  programa sa ‘Battle for Manila’ na dinaluhan ng mga beterano mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Estrada, dapat na munang maging malinaw ang bawat isinasaad sa BBL upang maging patas sa lahat ng mga kinauukulan.

Mas mainam na may managot muna sa ‘Fallen 44’ bago pa man isulong ang BBL. Aniya ang mga ito ay para na rin sa kapakanan ng iba pang mga miyembro ng SAF na lubhang naapektuhan sa pagkamatay ng ka­nilang mga kasamahan.

Paliwanag ng alkalde, hustisya lamang ang sigaw ng mga pamilya na dapat na maibigay ng pamahalaan upang maiwasan na rin ang demorali­sasyon ng ibang pulis, gayundin ang mga sundalo na patuloy na lumalaban laban sa mga rebelde.

 

ANIYA

AYON

BANGSAMORO BASIC LAW

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

SPECIAL ACTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with