^

Metro

Muntinlupa City, aagapay din sa ‘Fallen 44’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasunod ng lungsod ng Maynila, nagpasa rin kahapon ng isang ordi­nansa ang Muntinlupa City Council para magbigay ng halagang mahigit sa P.4 million sa pamilya ng 44 miyembro ng Philippine National Police, Special Action Force (PNP-SAF) commandos na napatay sa Masasapano, Maguindanao.

Ang hakbangin ng konseho ng lungsod ng Muntinlupa ay bilang pakikiramay at pakikisimpatiya sa pamilya ng mga nasawing PNP-SAF commandos.

Nabatid na nasa P440,000 na ibibigay ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa at tatanggap ng tig-P10,000 ang pamilya ng mga biktima.

Bukod dito, nagpa­labas din ng kautusan noong Lunes si Mayor­ Jaime Fresnedi sa mga empleyado ng Muntinlupa City Hall ay magbigay ng boluntar­yong ambag sa pamilya ng mga biktima.

Magugunitang noong nakaraang Linggo, nag­labas din ng resolus­yon ang pamahalaang lungsod ng Maynila na naglalaan ng halagang P5.1-milyon para sa pa­milya ng “Fallen 44”. Lumalabas na tatanggap ang bawat isang pamilya ng nasawing SAF na tig-P100,000 sa pondong inilabas ng Maynila.

BUKOD

JAIME FRESNEDI

MAYNILA

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY COUNCIL

MUNTINLUPA CITY HALL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with