Sunog sumiklab sa Pasig at Quezon City
MANILA, Philippines – Nasa 40 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.
Nabatid mula sa Pasig City Bureau of Fire Protection na ang sunog ay nagsimulang sumiklad dakong alas-5:15 ng madaling-araw sa Rodriguez Compound, Brgy. Rosario, Pasig City. Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa 20-tahanan na pawang gawa lamang sa light materials.
Naideklarang fire under control ang sunog ng alas-6:00 ng umaga at tuluyang naapula ng alas-6:30 ng umaga.
Samantala, dahil naman sa napabayaang kandila kaya natupok din ng apoy ang may sampung kabahayan sa isang barangay sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Senior Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, ang sunog ay sumiklab sa may Brgy. San Vicente na nagsimula ganap na ala-1:10 ng madaling-araw.
Dahil pawang mga gawa lamang sa light materials ang bahay madaling kumalat ang apoy.
Aabot sa 44 pamilya ang naapektuhan ng sunog na umabot hanggang ika-apat na alarma bago tuluyang naapula ganap na alas-2:33 ng madaling-araw.
- Latest