^

Metro

MMDA nagdagdag ng bangka sa Pasig River Ferry System

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinagdagan ng Metro­ Manila Development Authority (MMDA) ang bangka matapos na humahataw ang operasyon nitong Pasig River Ferry System dahil tinatangkilik na ito ng publiko bilang alternatibong transportasyon.

Nabatid kay MMDA  Director Rod Tuazon, mula sa dating pitong bangka, ngayon ay la­bing isa nang bangka ang bumibiyahe.

Ipinahayag ni Tuazon, na noong mga unang buwan mula nang simulan ang ope­rasyon ng ferry  system ay  umaabot lamang sa 150 hanggang 180 kada araw ang sumasakay at tumangkilik  nito. Ngunit sa kasalukuyan  ay  umaabot na mula 300 hanggang 350 ang sumasakay dito.

Lalo na umano noong panahon ng Kapaskuhan na laging punuan at halos sabay-sabay na ang pag-alis ng mga bangka na may kakayahang mag­sakay ng hanggang 30 pasahero.

Ayon kay Tuazon,  ito’y pagpapakita lamang na unti-unti nang nakikita ng publiko ang ma­laking tulong  ng ferry system  bilang alternatibong transportasyon.

Naglalaro sa pagitan ng P30 hanggang P50 ang pamasahe sa ferry depende sa layo ng biyahe. May pito nang stations o terminal ang ferry system na kinabibilangan ng San Joaquin Terminal sa Pasig City; Sta. Ana terminal; Gua­dalupe, Makati City; Pi­nagbuhatan Pasig City; Escolta; PUP Sta. Mesa at Plaza Mexico sa  Manila.

Matatandaan, na mu­ling binuksan ng MMDA ang operasyon ng Pasig River ferry noong Abril, 2014 upang maging alternatibong transportasyon ng ilang mana­nakay na ayaw  maabala sa matinding trapik sa Metro Manila dulot na rin sa implementasyon ng malalaking infrastructure projects.

DIRECTOR ROD TUAZON

MAKATI CITY

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA

PASIG CITY

PASIG RIVER

PASIG RIVER FERRY SYSTEM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with