^

Metro

Sa 2 counts ng electoral sabotage: Ex-Comelec Chairman Abalos, abswelto

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inabswelto kaha­pon ng Pasay City Regional Trial Court (RTC)  si dating Commission on Election (Comelec) Chairman Benjamin Abalos kaugnay sa kasong 2 counts ng electoral sabotage.

Sa walong pahinang desisyon na inilabas  ni Pasay City RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas, pinawalang sala nito si Abalos makaraang mapatunayang walang naganap na sabwatan o walang nangyaring usapan sa pagitan nina Abalos at  dating North Cotabato Election Officer Yogie Martirizar.

Si Martirizar ang iniharap na testigo ng Comelec laban kay Abalos. Ala-1:30 ng hapon isinagawa ang  pagbasa sa hatol laban kay Abalos kung saan kasama nito ang buong pwersa ng kanyang pamilya na nagbunyi sa naging hatol.

Sinasabing si Abalos ay sangkot umano sa dayaan noong 2007 election sa North Cotabato na nagresulta ng pagkapanalo ng Team Unity ni dating Pangulo at ngayon ay  Pam­panga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo. Tatlong taong isinagawa ang pagdinig sa kaso.

Nabatid na noong Setyembre 2014 ay  na­unang pinawalang sala ni Pasay City RTC Judge Eugenio dela Cruz, ng Branch 117 si Abalos hinggil  sa kaso naman nitong  11 counts electoral sabotage na isinampa rin ng Comelec.

Disyembre 7, 2011 nang sampahan ng kasong electoral sa­botage si Abalos ka­sama sina dating Pa­ngulong Arroyo, dating Maguindanao election supervisor Lintang­ Bido­l bilang mga kap­wa­ akusado nito.

ABALOS

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMELEC

CONGRESSWOMAN GLORIA MACAPAGAL ARROYO

JUDGE EUGENIO

JUDGE JESUS MUPAS

NORTH COTABATO

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with