^

Metro

Sanggol itinapon sa basurahan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natagpuan ng isang ba­surero ang patay na sanggol habang namumulot ng basura sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, tinatayang nasa isa hanggang dalawang linggo pa lamang na naipanganak ang beybi na nakabalot sa pajama, na pinaniniwalaang ‘premature baby’.

Nabatid na alas-8:10 ng gabi nang matagpuan sa basurahan sa tapat ng Building­ 12, Temporary Housing, Aroma Compound, Tondo ng namumulot ng ba­sura­­ na si Cesar de Guzman.

Inakala nito na mapapakinabangan ang pajama na nakabulumbon at nasorpresang lumabas ang nakapaloob dito na bangkay ng beybi.

Aalamin kung sino ang ina ng sanggol na itinapon lamang na parang basura sa halip na bigyan ng pormal na libing.

vuukle comment

AALAMIN

AROMA COMPOUND

GUZMAN

INAKALA

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

NABATID

NATAGPUAN

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with