^

Metro

Kilabot na pusher sa Quiapo, arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang kila­bot na pusher sa Quiapo, Maynila matapos itong mahuli sa aktong inaayos ang isang tooter kamakalawa ng hapon sa Quinta Market.

Kinilala ni  Sr. Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD- Plaza Miranda  PCP ang suspek na si Ardie Panlilio, 22 miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik  at residente ng  #24 Oscariz St. Quiapo, Maynila.

Ayon kay Anicete, nagsasagawa siya  ng  follow up operation kasama si PO2 Regin Obina bunsod na rin ng insidente ng snatching at panghoholdap sa Quezon Bridge nang  madaanan niya si Panlilio na nag-aayos ng tooter habang katabi ang kanyang  anak na nasa crib.

Sinabi ni Anicente na hindi napansin ni Panlilio ang kanilang pagdaan kaya’t agad naman  nila itong inaresto.

Kinapkapan din si Panlilio kung saan nakuhanan naman ito ng 12 sachet ng shabu mula sa isang cellphone pouch.

Ang mga nakuhang kontrabando mula sa suspek ay ibinigay naman kay PO1 Nazario Cueto, Jr. para sa isasagawang inventory.

ARDIE PANLILIO

MAYNILA

NAZARIO CUETO

OSCARIZ ST. QUIAPO

PANLILIO

PLAZA MIRANDA

QUEZON BRIDGE

QUINTA MARKET

REGIN OBINA

ROMMEL ANICETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with