^

Metro

7 miyembro ng sindikato, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pitong pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na gun for hire, robbery holdup gang at drug syndicates ang naaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa operasyon sa Quezon City nitong Huwebes ng umaga.

 Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Benjamin Magalong ang mga nasakoteng suspect na sina Dick Cheney Salunoy, Anjo Rosales, Ibrahim Salindal, Efren Valerio, Pepe Rafael, Chrismar Calma at Onte Radzak.

Ayon kay Magalong, dakong alas-5:30 ng umaga nang masakote ng mga operatiba ng PNP-CIDG- Anti Organized Crime Unit  sa pamumuno ni Supt. Danny Macerinat ng Quezon City Police Station 10  ang mga suspect sa operasyon sa BIR Road, NAPOCOR compound, Brgy. Central, Quezon City.

Sinabi ni Magalong na ang mga suspect ay inaresto sa bisa ng limang search warrants na inisyu ni Executive Judge Fer­nando Sagun Jr. kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591  o ang illegal possession of Firearms, Ammunition and Explosives. Sa imbestigasyon, ang mga suspect ay pawang konektado rin umano sa Tala gang na nauna nang nabitag sa operasyon sa Brgy. Tala, Caloocan City.

Nasamsam mula sa mga suspect ang apat na cal. 45 pistols, dalawang cal 38 revolvers, isang cal 22 revolver, isang hand grenade, anim na magazine para sa cal. 45 revolver, mga bala at ilang sachet ng shabu.

AMMUNITION AND EXPLOSIVES

ANJO ROSALES

ANTI ORGANIZED CRIME UNIT

BRGY

CALOOCAN CITY

CHIEF P

CHRISMAR CALMA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with