^

Metro

3 anggulo sinisilip sa pagpaslang sa jail officer

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong anggulo ang sini­silip ng mga tauhan ng Manila Police District kaugnay sa pagpaslang sa jail officer ng  Bureau of Corrections (BuCor) kung saan kaibigang  abogado at dalawa pa ang  itinuturong suspect.

Ayon kay MPD-Malate Police Station chief, Supt. Romeo Odrada, tinitingnan nila ang mga  anggulo na personal na relasyon, personal na galit at droga sa pamamaslang kay JO1 Tristan Cultivo, 31, na natagpuang patay sa Rm. 2503 Burgundy Condominuim sa Taft Avenue, Malate, Maynila na pag-aari naman ni Atty. Vladimir Bugaring.

Sinasabi ni Odrada na ginagawa nila lahat, kasama ang MPD Homicide Section upang matukoy ang tunay na motibo  sa pamamaslang.

Hanggang sa ngayon aniya ay wala pang kon­kre­tong ebidensiya bagama’t ang tatlo ang pangunahing mga suspek batay na rin sa naitala ng CCTV ng na­sabing condominium.

Nabatid naman kay MPD-Homicide Section chief, Chief Insp. Steve Casimiro na isa­sampa na nila ang kaso sa mga susunod na araw. Hinihintay din nila ang abiso ng mga suspek sa posibleng pagsuko ng mga ito.

Paliwanag ni Casimiro, pinuntahan na rin ng kanyang mga tauhan ang mga lugar na posibleng puntahan ni  Bugaring subalit pawang  negatibo ang kanilang mga  follow-up operation.

Umaasa na lamang sila na magkukusa na sumuko ang tatlo upang maliwanagan ang  kaso.

Ang bangkay ni Cultivo na may tatlong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ay natagpuan noong Sabado ng madaling-araw sa nabanggit na condominium.

BUREAU OF CORRECTIONS

BURGUNDY CONDOMINUIM

CHIEF INSP

HOMICIDE SECTION

MALATE POLICE STATION

MANILA POLICE DISTRICT

ROMEO ODRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with