^

Metro

Dahil sa mga kontrobersiya, RAC paiimbestigahan ni Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bunsod na rin ng sunud-sunod na kontrobersiya at reklamo na kinakaharap ng Reception and  Action Center (RAC)  sa ilalim ng   Manila Social Welfare Department, iniutos ni  Manila Mayor Joseph Estrada na paimbestigahan ang mga opisyal at mga empleyado nito.

Ayon kay Estrada,  hindi niya kukunsitihin ang  anumang  pananakit at pagmamaltrato  ng mga nangangasiwa sa mga menor de edad na  nasa RAC lalo pa’t  nangangailangan pa rin ang mga ito ng kalinga ng  kanilang mga magulang.

Sinabi ni  Estrada na hihingan niya ng report si MSWD OIC Honey Lacuna-Pangan  hinggil sa ilang  ulat  at para maaksiyunan sa lalong madaling panahon.

Ilan umano sa mga reklamong  nakarating kay Estrada ay ang  pagmamaltrato sa ilang batang  kinuha ng MSWD sa lansangan, at ang  paggamit ng  balde sa kanilang pag-ihi.

Bagama’t nasa RAC ang mga ito, kailangan pa rin ang  tamang disiplina. Kailangan aniyang may gumagabay pa rin sa mga bata  kahit na nasa loob ng RAC.

Una nang itinanggi ni Lacuna-Pangan ang mga isyu sa pagsasabing nais lamang na sirain ng Bahay Tuluyan Foundation ang  mga tauhan ng  MSWD-RAC.

Aniya, ginagawa ng MSWD ang lahat ng  paraan upang  masagip ang mga batang lansangan at mabigyan ng sapat na ayuda partikular na ang mga solvent boys.

Subalit hanggang sa ngayon ay naglilipana pa rin  ang mga solvent boys na kadalasang nasasangkot din sa mga snatching at holdapan.

ACTION CENTER

ANIYA

AYON

BAGAMA

BAHAY TULUYAN FOUNDATION

HONEY LACUNA-PANGAN

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with