^

Metro

Hindi kumikilala sa kanya bilang alkalde, pinagbibitiw ni Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagbibitiw na lamang ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga empleyado ng city hall na patuloy na hindi siya kinikilala bilang alkalde ng lungsod at hindi pabor sa kanyang mga programa.

Sinabi ni Estrada ang pahayag pagkatapos ng flag raising kahapon ng umaga na dinaluhan ng mga  ity hall officials at empleyado.

Ani Estrada, handa na niyang tanggapin ang re­signation ng sinumang  tutol sa kanyang mga programa sa lungsod  at hindi  nirerespeto ang kanyang pagiging alkalde.

Idinagdag pa nito na ngayong nagdesisyon na ang Korte Suprema, mawawala na ang agam-agam ng mga empleyado at umaasa siyang  mapapabilis ang hangad na pagbabago sa Maynila hindi lamang sa  ekonomiya kundi maging sa pamumuhay ng  bawat Manilenyo.

Paliwanag pa ng al­kalde, wala siyang tinanggal o inalis na empleyado nang siya ay manungkulan dahil naniniwala siyang hindi dapat na  masangkot sa anumang  usa­ping pulitika ang sinuman sa mga ito.

“Hangad ko na magkaisa tayo para sa Maynila at iwan natin ang pulitika dahil hindi kayo dapat kasali sa pulitika, lalo na sa maruming pulitika,” ani Estrada.

ANI ESTRADA

HANGAD

IDINAGDAG

KORTE SUPREMA

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILENYO

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with