^

Metro

Holdaper tiklo sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natimbog ng mga awto­ridad ang isa sa dalawang holdaper na riding-in-tandem, matapos ang follow-up operation ilang minuto makaraang muling mambiktima ng isang estudyante sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni Supt. Lemuel Obon, hepe ng Quezon City Police Station 10, ang suspect na si Gilbert Pazcogin, 33, ng Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Si Pazcogin ay naaresto matapos na matukoy ng biktimang si Jethro Delima, 18,  mula sa rogue gallery ng Quezon City Police Station 10 na isa sa mga humoldap sa kanya sakay ng isang motorsiklo. Si Pazcogin, aniya ay res­ponsable sa pangho­holdap ng mga kabataan, lalo na ang mga estudyante, gamit ang motorsiklo.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, bago ang pagdakip, hinoldap muna ng suspect kasama ang isa pa, ang bik­tima sa may Scout Fer­nandez, kanto ng Scout Torillo­ St., Brgy. Sacred Heart, ganap­ na alas-2:15 ng hapon.

Naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang duma­ting ang mga suspect sakay ng isang motorsiklo saka huminto sa harap ng una.

Dito ay nagkunwaring magtatanong ang mga suspect sa biktima, kung kaya lumapit ang huli sa kanila. Pero paglapit ng biktima ay biglang naglabas ng baril ang backrider na suspect at sabay tutok sa biktima at hiningi ang mga dala nitong Xiaomi Mi4 cellphone na halagang P17,500.

Nang makuha ng mga suspect ang pakay sa biktima ay saka mabilis na humarurot ang mga ito patungo sa hindi mabatid na direksyon. Sa puntong ito, nagpasya namang dumulog ang biktima sa PS10 at nang matukoy nito mula sa rogue galery ang mukha ni Pazcogin ay isinagawa ang follow-up operation na ikinaaresto ng huli sa kanyang tahanan sa Antipolo City.

Pinaghahanap pa ang ka­sama ni Pazcogin habang sinampahan na ang huli ng kasong robbery sa piskalya.

ANTIPOLO CITY

BRGY

DELA PAZ

GILBERT PAZCOGIN

JETHRO DELIMA

QUEZON CITY POLICE STATION

SHY

SI PAZCOGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with