^

Metro

Manhunt vs abogado, 2 pa sa pagpatay sa BuCor jail officer

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang manhunt ope­ration ngayon ang isinasagawa ng Manila Police District laban sa isang abogado at dalawa pang kasamahan nito  na umano’y sinasabing sangkot sa pagpatay sa isang jail officer ng Bureau of Corrections kamakalawa ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Ayon kay Chief Insp. Steve Casimiro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section,  ikino­konsiderang person of interest  si Atty. Vladimir Bugaring, 36  na siyang may-ari ng Unit #2503 ng Burgundy Condominium sa #2442 Taft Ave., sa Malate, Manila kung saan na­tagpuang patay si JO1 Tristan Cultivo, ng 155 Posadas Village, Sucat, Muntinlupa.

Pi­nag­hahanap din ng pulisya ang umano’y tiyuhin ng abogado na alyas “Bob” at isa pang hindi nakikilalang suspek. Si Bugaring, ka­sama ang dalawa pa ay nakita umano sa CCTV  ng condominium na nagmamadaling umalis.

“Silang tatlo ang suspek , kasi nakita sa CCTV na nagmamada­ling lumabas ng bandang 11:56 ng gabi,” ani  SPO3 Glenzor Vallejo.

Ayon kay Vallejo,  pinuntahan ang suspek sa tanggapan nito sa may Amparo Building sa may España pero hindi natagpuan.

Nalaman sa isinagawang imbestigasyon sa crime scene na na­tagpuang nakapatong sa katawan ng biktima ang kanyang service firearm na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa kanya.

Nakita rin ang pagkasira ng lababo na indikasyong nagpambuno ang  biktima at mga suspek bago binaril ang una .

“Kung wala siyang kinalaman dapat e lumutang na siya (Bugaring), bakit siya nagtatago,” dagdag pa ni Vallejo.

Hindi rin umano ina­asahan ng pamilya ng biktima na si Bugaring  ay isa sa mga magi­ging suspek sa pagpatay kay Cultivo dahil naging professor pa umano ng biktima si Bugaring sa FEU noong nag-aaral pa sa kolehiyo at naging taga-hatid pa ito ng mga dokumento ng abogado.

Base sa nakuhang impormasyon ng pulisya sa kalapit kuwarto, bandang  11:30 ng gabi nang makarinig ng dalawang putok ng baril ang naka­tira sa kalapit na unit at sinasabing bandang 10:56 ng gabi, nang ma­kita ang biktima na dumating sa condo para umano maghatid ng mga dokumento sa abogado.

Nabatid na pitong taon na umanong magkaibigan ang biktima at ang abogado kung saan natulungan umano ng  huli ang una na ma­ka­pasok bilang jail officer sa BuCor.

vuukle comment

AMPARO BUILDING

AYON

BUGARING

BUREAU OF CORRECTIONS

BURGUNDY CONDOMINIUM

CHIEF INSP

GLENZOR VALLEJO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with