Obrero tinarakan sa leeg at tiyan
MANILA, Philippines – Saksak sa tiyan at sa leeg ang inabot ng isang 23-anyos na construction worker na kinursunuda ng nakaalitang siga sa kabila ng pag-iwas nito sa gulo sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Isinugod ng mga katrabaho sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang duguang biktimang si Joey Ceneros, residente ng Block 16, Exodus St., Taytay, Rizal, dakong alas-12:15 ng madaling-araw makaraang saksakin ng suspek na nakilala lamang sa alyas na Lito sa panulukan ng Severino Reyes St. at CM Recto Avenue.
Sa ulat ng Manila Police District-station 3, ang biktima ay nakipag-inuman sa mga kasamahang construction worker sa isang tindahan na malapit sa construction site nang makaalitan ang kaniyang kagrupo sa isang grupo na nag-inuman din.
Dahil sa insidente ay napilitang bumalik na lamang sa barracks ang grupo ng biktima na habang naglalakad ay hindi alintana ang pagbuntot ng suspek sa kanila at napiling saksakin ang biktima bago mabilis na tumakas.
- Latest