^

Metro

20 sugatan, 4 sasakyan at kabahayan inararo ng lasing

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang Filipino-American na lasing ang  inaresto ma­tapos nitong paharurutin ang kaniyang sasakyan dahil sa kalasingan, na sumagasa sa mga taong nag-uumpukan, mga nakaparadang sasakyan at mga kabahayan na naging dahilan naman ng pagka­sugat ng may 20 katao sa Pandacan, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Nakapiit sa detention facility ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit ang suspek na si Nestor Luna Jr.,42, teacher sa Korea at residente ng no. 61 Bell St. Fil-Invest Batasan Hills, Quezon City habang naka-impound naman ang mi­namanehong Honda CRV (XRP-690).

Sa ulat ni SPO4 Rizalino Intal ng MPD-TEU, na­ganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi sa mga kalye na sakop ng apat na barangay sa Pandacan.

Unang dinaanan at sinuyod ng Honda CRV ang Aladdin corner Celia Sts. at tumuloy sa Mira­molin St., hanggang sa uma­bot pa umano sa Ba­lagtas at Laura Sts., ayon kay SPO4 Intal.

Nalaman na isa sa nasaktan ng suspek si Marvin Medina, 37, na nagulungan sa kaliwang paa habang may 19 pa ang nagtamo ng minor injuries.

Kabilang din ang sasakyang Mitsubishi Adven­ture, tricycle, Honda CRV at isang Toyota Vios na pawang mga nakaparada ang  inararo ng suspek.

Ang isang karinderya na nasira sa pagsagasa ng minamaneho ng suspek at nabangga din ang isang grupo ng nag-iinuman doon.

Nabatid na hindi umano kabisado ng suspek ang mga kalye at nagta­tanong umano ito sa isang lalaking residente. Nang kausapin ito ay hindi umano nagtatagalog kundi Ingles, kaya kinausap sa wikang Ingles ng nasabing lalaki. Habang nagkikipag-usap umano ay inalok pa ng lalaki na ipagda-drive na lamang siya dahil la­sing subalit agad umanong umarangkada na hinihi­nalang natapakan ng husto ang gasoline kaya nag­tuloy-tuloy.

Inihahanda pa lamang ang mga kasong ihahain laban sa suspek dahil hindi pa umano nagdaratingan ang ilang complainant.

BELL ST. FIL-INVEST BATASAN HILLS

CELIA STS

ISANG FILIPINO-AMERICAN

LAURA STS

MANILA POLICE DISTRICT-TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MARVIN MEDINA

MITSUBISHI ADVEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with