^

Metro

2 ‘tulak’ ng droga, timbog ng PDEA

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang ‘tulak’ ng iligal na droga ang bumagsak sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Makati City, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspects na sina Bernard Quilatis, alyas Putol, 37, ng Building 3 Phase 4, Guadalupe BLISS, Brgy. Cembo, Makati City; at Jorge Fer­nando, alyas Bulag­, 40, ng #444A Banaba, Brgy. Cembo, Makati City.

Ayon kay Cacdac, ang mga suspect ay naaresto ng mga elemento ng  PDEA Regional Office 4A (PDEA RO4A) sa pamumuno ni Director Adzhar Albani sa may bisinidad ng Guadalupe BLISS, matapos ang buy-bust operation.

Isang poseur-buyer ang pinagbentahan ng mga suspect ng dalawang pirasong plastic sachet ng shabu na siyang ugat ng kanilang pagkakada­kip, dagdag ng opisyal.

Sabi pa ni Cacdac, base sa kanilang pagsisiyasat sina Quilatis at Fernando ay mga drug runners ng shabu kung kaya nagsasagawa na sila ng follow-up operations upang matukoy kung sino ang nasa likod ng kanilang iligal na operasyon.

Nakapiit ngayon ang mga suspect sa PDEA RO4A sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Parapher­nalia), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

BERNARD QUILATIS

BRGY

CACDAC

CEMBO

DIRECTOR ADZHAR ALBANI

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG PARAPHER

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with