^

Metro

Maynila, double full alert sa Linggo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Tahasang sinabi ng  Manila Disaster Risk Reduction  Management Council na naka-double full alert sila sa Linggo  kung saan magdaraos  ng misa  si Pope Francis.

Ayon kay MDRRMC chief Director Johnny Yu, ang kanilang paghahanda ay bunsod na rin ng inaasahang pag­dagsa ng  tao dahil maliban sa misa ng Santo Papa,  kapistahan din ito ng  Sto . Niño.

 Inaasahang maraming  Katoliko ang magdadala ng kanilang mga imahe ng  Sto. Niñ o sa Luneta para na rin  mabasbasan  ito at makaiisa sa misa. Sinabi ni  Yu na   simula kahapon hanggang bukas ay  nasa shifting ang  mga tauhan ng  Emergency Response Assistance Center. Tig 12 oras  ang  kanyang  15 tauhan bukod pa ang 53 na mga call center agents  sa ilalim naman ng Office of the Vice Mayor.

Sa ngayon umaabot sa 350 CCTV camera ang  nakalagay sa iba’t ibang lugar sa Maynila na magagamit sa monitoring ng  kilos ng  Santo Papa.

Tiniyak ni Yu na naka­alerto ang  lahat ng kanilang mga emergency equipment  sa mga  lugar na  inaasahang  dadagsain ng tao upang masilayan ang  Santo Papa.

Aniya, sapat ang   kanilang mga kagamitan sakaling magkaroon ng  hindi inaasahang   pangyayari.

Subalit naniniwala si Yu na  kung magkakaroon lamang ng  disiplina ang  publiko walang aberya na mangyayari.

Masuwerte aniya ang  Pilipinas  sa pagdalaw ni  Pope Francis kaya’t ibinibigay din  nila ang  suporta at tulong sa national government upang  matiyak ang  seguridad ng  pinakamataas na lider ng  Simbahang  Katoliko.

vuukle comment

DIRECTOR JOHNNY YU

EMERGENCY RESPONSE ASSISTANCE CENTER

KATOLIKO

MANAGEMENT COUNCIL

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

YU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with