^

Metro

Treasurer’s office ng QC, bukas sa Papal visit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinaalala ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga taga-lungsod na nakabukas ang tanggapan ng treasurers office kahit pa holiday dahil sa pagdating ni Pope Francis sa ating bansa

Ayon kay Bautista, tanging ang treasurers office lamang ang nakabukas sa Quezon City hall o ang mga tanggapan na may kinalaman  sa pagtanggap ng bayarin sa buwis sa panahon ng Papal visit.

 “Kailangan nating bigyan ng panahon ang ating mga taxpayers na makapagbayad ng kanilang taxes kaya kailangan nating buksan ang mga opisinang ito pati weekends to accommodate the bulk of tax payment here in  Quezon City”, paliwanag ni Bautista.

Sinasabing mas mabibigyang pagkakataon ng mga taga- lungsod na mabayaran ang kanilang buwis sa panahon ng Papal visit dahil walang pasok sa mga paaralan at mga opisina sa Metro Manila.

Kaugnay nito, inanunsyo nam an ng treasurers office na  exempted naman sa auditing at examination ng business records ang mga  taxpayers  na magbabayad ng kanilang business taxes na mas mataas sa 30 percent ng halaga ng  kanilang babayarang buwis sa cityhall.

Ang naturang exemptions ay nakapaloob naman sa isang ordinansa na nilagdaan ni Mayor Bautista na nagsasaad na magbigay ng ganitong uri ng hakbang bilang bahagi ng programa na mapasigla ang pagbubuwis sa Quezon City.

Sa ngayon ang Quezon City  ay may mahigit sa 60,000 registered business establishments.

AYON

BAUTISTA

IPINAALALA

MAYOR BAUTISTA

METRO MANILA

POPE FRANCIS

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with