^

Metro

SLEX tragedy: 1 patay,1 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorista at sugatan naman ang isang bagitong pulis sa isang aksidente na naganap sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Pasay City, kamakalawa ng tang­hali.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Pasay City Ge­neral Hospital (PCGH) ang biktimang si Antonio Buenaventura, 64, taga San Pedro, Laguna matapos itong magtamo ng ma­tinding pinsala sa ulo at katawan.

Sugatan at nilalapatan ng lunas sa naturang pagamutan si P01 Dexter De Sesto, naka­ta­laga sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) Battalion.

Sa pagsisiyasat ni SP02 Pe­pito Tabios, ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) na nakabase sa Bicutan, Parañaque City, naganap ang insidente alas-11:46 ng tanghali sa South bound lane ng kahabaan ng SLEX, Villamor, Pasay City.

Minamaneho ni Buenaventura ang isang Daewoo Racer (TMG-602) at binagbagtas ang naturang lugar kung saan nais nitong okupahan ang leftmost lane paakyat ng Sales Bridge. Dahil sa mabilis ang takbo ay tumama sa concrete barrier ang bandang uluhan ng sasakyan nito.

Sanhi upang magpaikot-ikot ito hanggang sa bumaligtad  kung saan nadamay pa ang dumadaang motorsiklo na minamaneho naman ni P01 De Sesto.

Agad na dinala ng rescue team ng SLEX ang mga biktima sa nabanggit na ospital.

Subalit si Buenaventura ay binawian ng buhay habang nilalapatan ito ng lunas, sa nga­yon ay patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente.

ANTONIO BUENAVENTURA

BUENAVENTURA

DAEWOO RACER

DE SESTO

DEXTER DE SESTO

HIGHWAY PATROL GROUP

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PASAY CITY

PASAY CITY GE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with