^

Metro

Parak na nakapatay ng retardate, kinasuhan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang ipinagharap kahapon  ng kasong homicide sa Manila Prosecutors’ Office ang pulis na nakapatay sa isang 23-anyos na mentally retarded, na nagtangkang su­maksak sa kaniya ng barbeque stick sa Pandacan, May­nila, noong  nakaraang Enero 11.

Si PO2 Arturo Coronel, 33, nakatalaga sa Labores Police Community Precinct, ng MPD-Police Station 10 ay suspek sa pamamaril kay Ryan Ge­ne­roso, na tinatayang nasa 10-taong gulang lamang ma­­iku­kumpara ang pag-iisip at residente ng Pandacan, May­nila.

Depensa ni Coronel sa MPD-Homicide Section nang siya ay arestuhin  sa Labores-PCP kamakalawa ng mga tauhan ni C/Insp. Steve Casimiro, hepe ng MPD-Homicide Section, aatakehin siya ng sak­sak ng biktima nang magkatinginan sila kaya niya ito binaril.

Nabatid na binaril ng dalawang beses ng suspek ang biktima na kagyat na ikinasawi nito.

Kilala ang biktima sa lugar na pagala-gala at tagatapon ng basura ng mga kapitbahay kapalit ng maliit na halaga.

Kasalukuyan nakapiit ang pulis sa Homicide Section detention facility.

ARTURO CORONEL

DEPENSA

HOMICIDE SECTION

LABORES POLICE COMMUNITY PRECINCT

MANILA PROSECUTORS

PANDACAN

POLICE STATION

RYAN GE

SHY

STEVE CASIMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with