^

Metro

Sa Papal visit PNP ’di pagsusuutin ng diaper

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang plano ang Philippine National Police (PNP) na pamarisan ang ideya ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na pagsuutin ng diaper ang kanilang mga constable kaugnay ng pagbibigay segu­ridad sa  Papal visit sa susunod na mga araw.

Si Pope Francis ay bibisita sa bansa mula Enero 15 hanggang 19 ng taong ito kung saan kabilang sa mga  venue na tutunguhin nito ay  ang ilang lugar sa lungsod ng Maynila at maging sa Palo at Tacloban City, Leyte.

Sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, Chief ng PNP Public Information Office (PNP-PIO), hindi naging ‘standard policy’ ng PNP na magsuot ng diaper ang mga pulis sa mga espesyal na okasyong babad ang mga ito sa kanilang duty.

“Though siguro yung iba naman pwede personally who wish na gumamit nun (diaper), to use that then pwede naman yun but hindi naman talagang naging standard policy sa PNP na pag ganitong situation is gagamit tayo ng ganun,” pahayag ni Mayor.

Una rito, umani ng iba’t ibang reaksyon ang inianunsyo ng MMDA Chairman na  upang hindi na umalis sa kanilang puwesto ang kanilang mga constable ay pagsusuutin ang mga ito ng adult diaper.

“Hindi namin napag-uusapan (meeting) ang pagsusuot ng diaper (adult), ang mga pulis natin ay na-train naman sa ganitong sitwasyon,” pahayag ni Mayor.

Nasa  full alert na ang PNP  na katumbas ng red alert ng AFP  kung saan magdedeploy ng 42,000 security forces upang tiyakin ang seguridad sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHIEF SUPT

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POPE FRANCIS

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SI POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with