^

Metro

Big-time rollback uli sa petrolyo, ipinatikim

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Muling magpapatupad ng bawas sa presyo ng petrolyo  ang mga kumpanya ng langis ngayong Lunes ng hatinggabi.

Kabilang sa mga unang nag-anunsyo ng rolbak ang mga kumpanyang Pilipinas Shell, Petron Corporation, PTT Philippines at Phoenix Petroleum.

Sabi ng Shell, dakong ala-1 ng madaling araw nila ipatutupad ang bawas na P1.70 kada litro sa premium at unleaded gasoline; P1.60 sa kada litro ng kerosene at P1.50 sa kada litro ng diesel.

Kahalintulad na mga presyo sa naturang mga produkto rin ang itatapyas ng Petron habang maliban sa kerosene, katulad na halaga rin sa gasoline at diesel ang itatapyas ng PTT at Phoenix.

Wala pa namang anunsyo ang iba pang kumpanya ng langis sa bansa ngunit inaasahan na susunod ang mga ito sa panibagong galaw sa presyo ng petrolyo na bunsod pa rin umano sa dikta ng internasyunal na merkado.

 

KABILANG

KADA

KAHALINTULAD

PETRON

PETRON CORPORATION

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

SABI

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with