^

Metro

Sorpresang drug test sa pulis-Quezon City, isinagawa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang sorpresang drug test ang isinagawa ng kagawaran ng Quezon City Police District (QCPD), partikular sa mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) kahapon.

Ayon kay Senior Supt. Procopio Lipana, deputy director ng QCPD, ang sorpresang drug test ay upang magkaroon ng kredibilidad ang buong tropa ng SAID na pangunahing nagsasagawa ng operasyon laban sa mga gumagamit ng iligal na droga.

Kailangan anya na ma­itu­­ring na “drug-free” ang lahat ng mga personnel ng SAID, upang hindi mabahiran ng anumang pagdududa ang publiko sa kanilang ka­gawaran. Ginawa ang surpresang drug test sa may 12 istasyon ng QCPD matapos ang patawag na command con­ference na ginawa sa may headquarters sa Camp Karingal.

Sabi ni Lipana, malalaman ang resulta ng drug test sa loob ng isang linggo matapos isagawa ito.

Sa sandali anyang may magpositibo ay agad na aaksyunan ito ng kagawaran at aalisin sa nasabing departamento.

vuukle comment

AYON

CAMP KARINGAL

GINAWA

ISANG

KAILANGAN

LIPANA

PROCOPIO LIPANA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with