^

Metro

2 tauhan ng vice mayor sabit, ambulansya ginamit sa paggo-grocery

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag  ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fres­nedi ang bise alkalde ng lungsod kaugnay nang paggamit ng isa sa mga tauhan nito ng ambulansiya o rescue vehicle sa pamimili sa isang supermarket.

Sa panayam kay  Tess Navarro, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Muntinlupa City, pinagpapaliwanag ni Fresnedi si Vice Mayor Artemio Simundac matapos maging viral sa Facebook ang post ng Top Gear Philippines  hinggil sa litrato ng dalawang babae na namimili sa isang malaking grocery, na gamit ang isang ambulansiya na may pangalan nito (Vice Mayor Artemio Simundac).

Nabatid kay Navarro na nakita aniya ng naturang alkalde ang naturang litrato at hindi nito nagustuhan. Ito ay paglabag sa  memorandum na sinumang kawani ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ay mariing pinagbabawal na gamitin ang anumang behikulo ng gobyerno sa personal na pangangailangan, na maaari lamang aniyang gamitin ito “for official use only”.

Napag-alaman na ang dalawang babae umano sa litrato ay mga tauhan ni Simundac. Kung kaya’t ayon  kay  Navarro ay  tinawagan niya ang bise alkalde sa naturang insidente, subalit maging ito aniya ay nabigla rin kung bakit ginamit ito sa pamimili.

FACEBOOK

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY MAYOR JAIME FRES

NAVARRO

PUBLIC INFORMATION OFFICE

TESS NAVARRO

TOP GEAR PHILIPPINES

VICE MAYOR ARTEMIO SIMUNDAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with