^

Metro

Dahil sa sunog sa Escolta, ruta ng traslacion, nabago

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bahagyang  nabago ang  ruta ng  prusisyon ng  Itim na Nazareno matapos na aprubahan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  rekomendasyont ng City building official na mapanganib na daanan ang  Escolta.

Sa press confrence na ginawa kahapon, sinabi ni  Estrada na napagdesisyunan nilang  sa Dasmariñas St. idadaan ang traslacion sa halip  sa Escolta pagbaba ng  Jones Bridge.

Ayon kay Estrada, unti unti nang nagbabagsakan ang mga  tipak ng  semento at pader ng  gusali bunsod ng  naganap na sunog kahapon.

Inabisuhan na  rin  nila ang  pamunuan ng Quiapo church upang matiyak na masusunod ang bagong ruta para na rin sa kapakanan ng mga deboto.

Aabisuhan  na rin nila  ang  Manila Traffic  District Unit tungkol sa pagbabago. Alas-2:45 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy. Naging tanggapan ito ng Philippine National Bank at City College of Manila.

Paliwanag ni  City Building Official Engr. Rogelio  Legaspi delikado na ang  lugar kahit na sa mahihinang mga pag-uga.

Sa Dasmariñas na padadaanin ang  Traslacion   na malapit  lamang sa  Escolta  at makakadaan ang  maraming deboto. Ang kanilang rekomendasyon ay para lamang sa kaligtasan ng  mga deboto.

Gayunman, sinabi pa ni  Legaspi na  desisyon pa rin ng   Quiapo church ang masusunod.

CITY BUILDING OFFICIAL ENGR

CITY COLLEGE OF MANILA

DISTRICT UNIT

ESCOLTA

JONES BRIDGE

LEGASPI

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA TRAFFIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with