^

Metro

15-M deboto dadagsa sa Pista ng Itim na Nazareno

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ng organizer ng  Black Nazarene na tina­tayang  aabot sa 15-mil­yong deboto ang dadagsa sa Pista ng  Itim na Nazareno sa Biyernes­ kaya’t puspusan ang ginagawang pag­hahanda ng  Manila Police District para sa seguridad ng  lahat.

Ayon kay MPD Director Senior Supt. Rolando Nana, sa ganitong kalaking bilang kailangan ang pinagsama-samang  puwersa  mula sa MPD, NCRPO,  Coast Guard, force multiplier, task force, medical at maging ang  first responder team ng Manila Disaster Risk Reduction Ma­nagement Council.

Nagdo-double time na rin   ang mga kinauukulan sa pag-aayos sa Quirino Grandstand para sa pagdating ng Santo Papa at sa pahalik sa Pista ng Poong Nazareno kung saan magsisimula ang Traslacion.

Bukod sa orihinal na imahen, isang replika ang ila­lagay sa Quirino Grandstand para sa pahalik.

Pwede ring pumunta ang mga deboto sa iba pang diocese na may replika ng imahen ng Black Nazarene.

Siyam na pilgrim image­ na ang naipadala ng Simba­han ng Quiapo mula noong 2010 kabilang sa Cagayan de Oro, Iligan, Isabela; Ipil, Zamboanga; Borongan, Eastern Samar; Talibon, Bohol; Capiz, Catarman, Bayombong, Nueva Vizcaya; at Malolos, Bulacan.

Bukas hanggang Biyer­nes, may vigil mass sa Qui­rino Grandstand, at pagpatak ng alas-5:00 ng madaling-araw sa mismong araw ng kapistahan sa Biyernes, magmimisa si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bago ang traslacion.

Tulad din noong isang taon ang ruta ng andas.

Mula Quirino Grandstand, didiretso sa Katigbak Drive at Padre Burgos, kakaliwa sa Taft Avenue, tatawid sa Jones Bridge at papuntang Escolta.

Tiniyak naman ng Manila City government na ligtas ang daraanan ng traslacion. Halos 30,000 ang volunteers para sa kapistahan kasama ang 3,000 medical volunteers at 39 na ambulansya.

vuukle comment

BIYERNES

BLACK NAZARENE

COAST GUARD

DIRECTOR SENIOR SUPT

EASTERN SAMAR

JONES BRIDGE

QUIRINO GRANDSTAND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with