^

Metro

2 tumalon sa tower, mall, lasog

Angie dela Cruz at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae nang bu­magsak mula sa mataas na palapag ng Manhattan To­wer na matatagpuan sa Gen. Ro­mulo Avenue sa Ara­neta Cen­ter, Cubao Quezon City sa pagitan ng alas-3:30 hanggang alas-4 ng hapon kahapon.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Cubao Station, ang nasawing biktima ay tinatayang nasa 20 hanggang 22-anyos. Bumagsak ito sa may pool and garden area ng naturang tower kung saan basag ang bungo nito na sanhi ng agaran nitong kamatayan. Hindi pa mabatid ang tiyak na palapag kung saan ito nagmula.

Samantala, dead  on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang isang 57-anyos na lalaki nang tumalon ito mula sa ikatlong palapag ng Tutuban Centre Mall sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ni Senior Insp. Elias Dematera, Police Community Precinct commander na sakop ng Manila Police District-station 2, ang biktimang si Conrado Guttierez, ng Tondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-4:33 ng hapon (Lunes) ng Enero 5, nang makita na lamang na tumalon mula sa ika-3 palapag ng nabanggit na shopping mall  ang biktima at lumagapak ito sa ground floor.

CONRADO GUTTIEREZ

CUBAO QUEZON CITY

ELIAS DEMATERA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANHATTAN TO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

QUEZON CITY POLICE CUBAO STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with