^

Metro

Pantay-pantay sa batas -- Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pantay-pantay sa batas.

Ito naman ang binigyan diin ni Manila Vice Mayor Isko Moreno, matapos ang kanyang ginawang pag-aresto sa isang Sudanese na lumabag sa batas trapiko, naniko at nandura sa kanya noong Disyembre 30, 2014.

Kasong jaywalking, grave threat at assault to a person in authority ang isinampa sa Manila Prosecutors office laban kay Amro Aboud Hassan Etayeb, 23 at student pilot.

Matatandaang nagta-traffic si Moreno sa Pedro Gil corner­ Roxas Boulevard nang ilang ulit na tumawid si Etayeb. Pinalampas ni Moreno ang unang maling pagtawid nito subalit inulit ito ng ilang beses ng Sudanese.

Hindi pa nakuntento ay tumigil pa ito sa gitna ng kalye  kaya napilitan si Moreno na lapitan ito para patabihin. Na­batid na lango sa alak ang nasabing Sudanese.

Subalit nagmatigas ito at siniko ang bise alkalde, may mga taga-Manila Traffic din na akma nitong sisipain at pag­da­ting sa presinto dinuraan ng dayuhan si Moreno sa likuran.

“Professional, ordinaryo at maging mga government officials ay hinuhuli ko kaya kahit mga dayuhan ay dapat na hulihin kung lalabag sa batas”, ani Moreno.

Tanging ang maibibigay lamang nilang ayuda sa mga dayuhan ay ang kanilang seguridad at proteksiyon sa kani­­lang pananatili sa bansa.

Hindi umano dapat na abusuhin ng mga dayuhan ang pribilehiyo na ibinibigay sa kanila ng pamahalaan at sa halip ay kailangan ng mga ito na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa pamahalaan para na rin sa kanilang seguridad.

vuukle comment

AMRO ABOUD HASSAN ETAYEB

DISYEMBRE

ETAYEB

MANILA PROSECUTORS

MANILA TRAFFIC

MORENO

PEDRO GIL

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with