^

Metro

Ika-4 na most wanted nalambat

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalambat na ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District ang isa sa most wanted persons na pinaghahanap ng batas matapos ang pagsalakay sa kanyang pinagtataguan sa lungsod, iniulat kahapon.

Sa ulat ni QCPD Director Senior Supt. Joel Pagdilao, ang suspect ay nakilalang si Jun Guiyab na itinuturing na pang-apat sa most wanted persons na tinutugaygayan ng Police Station 9.

Naaresto ang suspect ng tropa ng District Special Ope­ration Unit sa pamumuno ni Police Chief Insp. Manolo Salvatierra sa bisa ng warrant of arrest sa may no. 19 Tiburcio St., Bgy. Krus na Ligas sa lungsod, ganap na alas-4 ng hapon.

Sinasabing ang pagtugis sa mga MWPs sa lungsod ay alinsunod sa kautusan ni Pagdilao upang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima nito. 

Samantala, sa ulat ng DSOU, inaresto din nila sina Rodolfo Bacalzo, Rossete Bacalzo at Rolito Bacalzo dahil sa tangkang pagpigil sa kanilang tropa para maaresto si Guiyab. Isa sa mga otoridad ang inatake umano ni Rolito sanhi para sila arestuhin.

Kasong obstruction of justice at direct assault ang kinakaharap ngayon ng tatlo habang nakapiit sa nasabing himpilan.

DIRECTOR SENIOR SUPT

DISTRICT SPECIAL OPE

JOEL PAGDILAO

JUN GUIYAB

MANOLO SALVATIERRA

POLICE CHIEF INSP

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RODOLFO BACALZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with