^

Metro

3 wanted timbog

Lordeth Bonilla at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong kalalakihan na pawang mga wanted sa iba’t ibang kaso sa Taguig at Maynila.

Nakakulong ngayon sa Taguig City Police detention cell ang akusadong si Florencio Apillado Mateo Jr. “alias Syano”, pangatlo sa most wanted,  at residente ng #26 Damayan St., Brgy. Hagonoy ng naturang lungsod.

Sa natanggap na ulat ng tanggapan ni Police Chief Supt. Henry Ranola Jr., officer-in-charge ng Southern Police District Office (SPDO), nadakip ang suspek  ng ope­ratiba ng Tracker Team and Intelligence Section  sa pamumuno ni Police Chief Insp. Schadimier Sajili alas-3:00 ng hapon ng naturang lugar.

Nadakip  ang naturang akusado  sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ramon Facis, ng Taguig City Regional Trial Court (RTC), Branch 266 dahil sa kasong murder matapos itong masangkot sa pagpatay sa isang  P02 Agelan Babaran.

Samantala, sina Jan Jomel Siason, 34; at Anthony Dela Cruz, 28, ay nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Plaza Miranda PCP sa pangunguna ni  Insp. Rommel Anicete.

Si Siason na wanted sa kasong  attempted murder  ay nadakip sa C. Palanca St. habang si dela Cruz naman na may kasong robbery ay nahuli sa  Paterno St sa Quiapo, Maynila.

Nagpapatrolya si Anicete nang  mamataan niya sina Siason  at dela Cruz noong Disyembre 15 at 17.

vuukle comment

AGELAN BABARAN

ANTHONY DELA CRUZ

CRUZ

DAMAYAN ST.

FLORENCIO APILLADO MATEO JR.

HENRY RANOLA JR.

JAN JOMEL SIASON

JUDGE RAMON FACIS

MANILA POLICE DISTRICT-PLAZA MIRANDA

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with