^

Metro

Trader binugbog, ninakawan PNPA cadet, Brgy. Kagawad, 4 inireklamo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang isang kadete ng Philippine National Police Aca­demy (PNPA) kabilang ang umano’y kapatid nito, isang barangay kagawad at tatlong tanod  na umano’y nanakit sa isang negosyante sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hatinggabi.

Personal na nagtungo  sa General Assignment Section ang biktimang si Danilo Cronos, 43, at residente ng  Bldg. 30 Unit 86 Temporary Housing, Vitas, Tondo upang ipagharap ng ka­ukulang  kaso sina PNPA Cadete Kris Antonelle “Choy” Cata­luna; kapatid na si Antonette; kagawad na si Junior Santiago, isang Wendell Austria at ang tatlong tanod na sina Shiela Santos, Nestor Espenal at Jhune Tor­dena  pawang  ng  Brgy  96 Zone 8 ng na­sabing lugar.

Batay sa ulat ni  SPO1 Jayjay Jacob, naganap  ang insidente ng bandang alas-11:00  ng hatinggabi sa panulukan ng Ugbo at Velasquez Sts. sa Tondo.

Lumilitaw sa report ng  pulisya na magka-angkas ang magkapatid na Cataluna nang umano’y harangin ang biktima  na minamaneho naman ang kanyang truck.

Dito na umano umak­yat ang kadete saka bigla umanong sinuntok sa mukha si Cronos. Dahil dito, hu­mingi ng  tulong ang  biktima sa barangay subalit laking gulat nito nang  pagtulungan pa umano siya at kunin ang P10,000 na nasa pitaka.

Ipinagmayabang pa umano ni Antonette ang kan­yang kapatid sa biktima sa pagsa­sabing “Baka hindi mo nakikilala yan (Kris) ten­yente ’yan”.

Noon lamang nalaman ng biktima na  iisa ang tirahan ng mga suspek.

Sinabi umano ng kadete sa mga kasamahan nito na nais silang banggain ni Cronos na itinanggi naman ng huli.

Nagtataka  umano ang biktima kung bakit siya biglang sinuntok ng kadete.

vuukle comment

ANTONETTE

CADETE KRIS ANTONELLE

CRONOS

DANILO CRONOS

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

JAYJAY JACOB

SHY

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with