5-talampakang ahas nahuli sa PNP headquarters
December 26, 2014 | 11:34am
MANILA, Philippines – Limang-talampakang ahas na python ang natagpuan ngayong Biyernes sa loob ng national headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City.
May bigat na 15 kilo ang ahas na nagtatago sa isang puno ng mangga malapit sa kontrobersyal na “White House” ng PNP Chief.
Bandang 4:30 ng madaling araw nakita ang ahas na kaagad naman dinakip ng mga pulis.
Dinala ang ahas sa Environment and Natural Resources - Parks and Wildlife Center.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended