^

Metro

SAF nakapatay ng holdaper, bibigyan ng komendasyon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakatakdang bigyan ng komendasyon ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang isang pulis na nakapatay sa isang holdaper at naka­sugat sa isa pa makaraang biktimahin ang isang babaeng kolektor sa naturang lungsod.

Pararangalan ni Malapitan sa darating na flag ceremony si PO3 Jaime Valdez, nakatalaga sa Special Action Force (SAF) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, makaraang ito rin mismo ang nagsugod sa pagamutan sa duguang biktima na si Lolita Balayo, 45, kolektor ng Birhen Maria Lourdes Parish Cooperative.

Nasawi sa insidente ang hindi pa nakikilalang suspek habang nadakip ang kasabwat nito na si Paterno Bacarra, 45, ng  Baseco Compound, Tondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat, nani­ningil ng pautang ng kanilang kooperatiba sa may Malolos Ave. Bagong Barrio, Caloocan si Balayo nang harangin ng dalawang suspek lulan ng isang motorsiklo dakong alas-2:10 Lunes ng hapon.

Pilit na inagaw ng mga suspek ang dalang bag ng biktima ngunit nanlaban si Balayo kaya paulit-ulit na pinukpok ito ng puluhan ng baril sa ulo.

Tiyempo naman na dumating ang nakasibilyang si Valdez lulan ng motorsiklo at nagtangkang umawat ngunit itinaboy siya ng mga suspek.  Nang makitang armado ang mga suspek, dito na nagbunot ng kanyang baril si Valdez at pinaputukan ang isa sa mga suspek habang pinaputukan sa paa ang suspek na si Bacarra sanhi upang madakip ito.

Sinabi ng alkalde na dapat pamarisan si Valdez na hindi nagdadalawang-isip na itaya ang buhay sa sinumpaang tungkulin kahit naka-off duty.  Dagdag pa dito ang agad na personal na pagtulong sa duguang biktima ng krimen para makapagsagip ng buhay.

BAGONG BARRIO

BALAYO

BASECO COMPOUND

BIRHEN MARIA LOURDES PARISH COOPERATIVE

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

CAMP BAGONG DIWA

JAIME VALDEZ

LOLITA BALAYO

VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with