^

Metro

Habambuhay sa 2 kidnaper

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinatulan ng ha­bam­buhay na pagkabilanggo ng  Manila Trial Court Branch 5 ang dalawang suspek na kumidnap kay Eunice Kaye Chuang, 5 at sa yaya nitong si Jovita Montecino sa Binondo noong Oktubre 17, 2000.

Batay sa desisyon ni Manila RTC pairing Judge Mona Lisa Tabora napatunayang nagkasala ng  kidnapping with double homicide sina Monico Santos at pinsan nitong si Francis Canoza.

Si Eunice at Montecino, ay natagpuang patay sa kisame ng bahay ni Santos sa Malolos Bulacan na sumundo sa mga biktima mula sa paaralan ng bata sa  Philippine San Bin School sa Maynila.

Namatay ang dalawa dahil na rin sa suffocation kung saan iniwan ang mga ito na nakatali ang kamay at paa. Hindi naman napigilan ni Emily ina ni Eunice na mapaluha matapos na ibaba ang hatol. Alam aniya niyang  masaya na si Eunice sa naging desisyon ng  korte.

Ayon naman kay Atty. Sandra Coronel, legal counsel ng pamilya Chuang nirerespeto nila ang desisyon ni Judge Tabora bagama’t hindi ki­nakitaan ng anumang pagsisisi ang dalawang  akusado. Sinabi ni Coronel na malaki ang pasa­salamat nila kay Judge Tabora dahil sa tiyaga nito sa pagbasa ng dokumento lalo pa’t hindi siya ang unang huwes na humawak ng kaso.

vuukle comment

EUNICE

EUNICE KAYE CHUANG

FRANCIS CANOZA

JOVITA MONTECINO

JUDGE MONA LISA TABORA

JUDGE TABORA

MALOLOS BULACAN

MANILA TRIAL COURT BRANCH

MONICO SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with